Hull i magen / Talog

Bøker / Brosjyrer

Sa lahat ng batang nahihirapang kumain. Ang pagkain ay isa sa mga pinakalikas na bagay na ginagawa natin. Hinidi nauunawaan nang maraming tao na hindi lahat ng bata ay makakakain nang sapat na pagkain para mapunan ang kanilang mga tiyan sa mga oras ng pagkain.

Ang ilang bata ay pinipilit kumain, maaaring dahil talagang dati na silang may sakit noong sila ay maliit pa, o dahil mayroon silang karamdaman na ginagawa nitong mahirap kumain. O maaaring may ganap na ibang dahilan. Inirerekumenda namin ang pansikmurang tubong pagpapakain (gastric feeding tube) (isang butas sa tiyan) para sa mga bata na may mga problema sa pagkain nang higit sa dalawang buwan, Kilala din ito bilang isang gastrostomy, o isang G-tube. Ang sinumang may G-tube sa kanilang tiyan ay makakakain ng anuman ang gusto nila, ngunit tumutulong ang G-tube na ito para matiyak na nakukuha ng katawan ang lahat ng pagkain na kailangan nito kung hindi kayang mag-isang kumain ang bata ng lahat bagay. Ang pagkakaroon ng butas sa tiyan at isang tubo sa pagpapakain ay parang nakakatako. Mahalagang malaman na ito ay isang maliit na butas na sapat ang laki para pumasok ang tubo sa pagpapakain. Ang tubo ay maaaring tanggalin kapag hindi na ito kailangan. Mag-iiwan ito nang napakaliit na peklat.

 

Ang librong ito ay idinisenyo para ipakita na ang mga batang may mga pansikmurang tubo sa pagpapakain ay mabubuhay nang ganap na normal na pamumuhay. Magandang inilalarawan ng libro kung paanong sumali ang mga batang may mga tubo sa pagpapakain sa mga kainan at kumain ng kung anumang pagkain na kaya nila, pati na rin ang pagtanggap ng mga sustansya sa pamamagitan ng tubo. Ganito ang buhay para sa karamihan ng taong may mga pansikumurang tubo sa pagpapakain.